Hindi mapapantayan ang kagandahan sa dalampasigan ng Agutayan na makikita sa Jasaan, Misamis Oriental.

Ang Agutayan White Island ay isang beach strip ng puting buhangin, katulad ng ibang destinasyon, ito ay dinagsa ng mga turista sa nakalipas na ilang taon at isa pa rin itong paboritong tourist spot ng mga residente hanggang ngayon.

Mapupuntahan ang isla sa pamamagitan ng mga bangka na inuupahan sa isang makatwirang presyo.

Sa malinaw na tubig, malawak na lugar at magandang background, di pinapalampas ng mga turista ang kumuha ng instagrammable shots habang nasa isla.

Ang kalmado at banayad na simoy ng hangin sa lugar ay plus din para sa mga bisita.

Snorkeling ang isa sa mga aktibidad kapag nasa isla ka dahil sa mga isda, corals at iba pang marine animals ang makikita at available ito para sa lahat ng turista.

Pinapayuhan na magdala ng sariling pagkain ang mga bisita dahil sa kasalukuyan, walang available na mga restaurant o food stand sa strip.

Maaaring mag-set up ng piknik habang nasa strip ngunit mahigpit na pinapayuhan ang mga turista na itago ang basura kapag tapos na at itapon sa tamang basurahan.

Gustong magpahinga, mag-relax, at maranasan ang iba’t ibang aktibidad tulad ng swimming, snorkeling at masilayan ang kagandahan ng kalikasan? Tara na! sa Agutayan White Island.

Photos from Agutayan White Island Facebook Page

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *