Ang Great Santa Cruz Island o mas kilala sa tawag na Pink Beach ay isang maliit na pinaninirahan na isla sa Zamboanga City sa katimugang rehiyon ng Pilipinas na sikat sa kulay rosas na coralline na buhangin.
Ito ay ipinagmamalaki na isa sa mga pink sand beach sa Pilipinas.
Ang kulay ng buhangin ay nagmula sa pulverized na pulang organ pipe coral mula sa eons ng surf erosion na may halong puting buhangin.
Ang isla ay nagsimulang maging tanyag mula noong 1970’s at unang bahagi ng 1980’s nang ito ay dinarayo na nang mga turistang Aleman, Hapones at Italyano.
Kamakailan, dumami ang mga turista dahil sa tumataas na katanyagan nito bilang isa sa iilang Pink Sand Beaches sa mundo at nag-iisa lamang sa Asia.
Noong 2017, kinilala ito ng National Geographic bilang isa sa 21 Best Beaches in the World.
Ang kakaibang pink sand beach na ito ay isang perpektong destinasyon para sa mga turista dahil sa tunay na ganda at nakakaakit na atraksyon nito.