Pinasinayaan ng Ministry of Health ang kauna-unahang Field Health Office (FOR) sa Special Geographic Area BARMM nito lamang ika-23 ng Hulyo 2024.

Pinangunahan ni BARMM Health Minister Kadil Sinolinding ang naturang seremonya sa pakikipagtulungan ng tanggapan ng Regional Health Minister.

Ang pagpapatayo ng FHO ay alinsunod sa direktiba ni Punong Ministro Ahod Balawag Ebrahim, upang bigyang prayoridad ang pangangalaga ng pangkalusugan sa mga residenteng sakop ng BARMM.

Ayon kay Health Minister Sinolinding, ang FHO ay nakatuon sa komprehensibong serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan sa rehiyon.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *