Nagtipon-tipon ang daan-daang mga Persons with Disabilities o PWD’s para sa National Disability Rights Week Celebration na ginanap sa Kidapawan City Gymnasium nito lamang ika-25 ng Hulyo 2024.
Pinangunahan ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista, ang tuloy-tuloy na suporta at pagbibigay ng sapat na budget para maipatupad ng nasabing sektor ang kanilang mga programa at adbokasiya.
Isang porsyento ng kabuuang budget ng City Government para sa mga social programs ang ilalaan nito para sa mga proyekto ng PWDs, wika pa ni Mayor Evangelista.
Magbibigay din ng dagdag na pribilehiyo ang City Government sa mga PWDs learners sa public schools, kung saan P1,000.00 ang kanilang matatanggap na school subsidy mula sa City Government.
Higit na mas malaki ito kumpara sa P400.00 na subsidy na tinatanggap ng iba pang learners sa public schools na inilaan ng City Government.
May inilaang libreng serbisyo ang ilang opisina ng gobyerno para sa kapakanan ng mga PWD’s at layunin na maiparamdam ang tunay na serbisyong may puso at malasakit sa bayan.