Natapos na ayon sa Department of Public Works and Highways Region-9 (DPWH-9) ang konstruksyon ng access road papuntang Situbo Falls sa bayan ng Tampilisan sa lalawigan ng Zamboanga del Norte nito lamang Agosto 1, 2024.

Ayon kay Engr. Cayamombao Dia, Regional Director ng DPWH-9, ang kalsada ay makatutulong sa pagpapalago ng turismo sa lugar. Ang 265 lane meters na kalsada ay may pondong higit sa ₱6.8 million mula sa General Appropriations Act (GAA) 2023.

Ayon kay Director Dia, sa pamamagitan ng bagong kalsada, madali nang maabot at makita ng mga turista ang majestic beauty at ang magagandang tanawin ng Situbo Falls.

Kalakip sa konstruksyon ay ang paglalagay ng grouted riprap, stone masonry, at reflectorized thermoplastic markings sa kalsada para sa madali at ligtas na byahe ng mga motorista. Ang Situbo Falls na isang tourist spot, ngayon ay isa nang tourist destination ng lokal at dayuhang mga turista.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *