Patay Ang Vice Mayor ng South Upi, Maguindanao Del Sur na si Roldan M. Benito at escort nito nang tambangan sa bahagi ng Sitio Linao, Barangay Pandan South Upi, Maguindanao Del Sur pasado 4:00 ng hapon nito lamang Biyernes ika-2 ng Hulyo 2024.

Ayon sa PNP, pauwi na sana ang bise-alkalde kasama ang kanyang mag-ina nang bigla tambangan ang kanilang sinasakyang sasakyan ng hindi pa nakikilalang mga suspek.

Nagtamo ng iba’t ibang tama ng bala sa katawan ang bise-alkalde at escort nito na nagresulta sa agarang pagkasawi, habang sugatan naman kaniyang asawa at dalawang pa nitong kasama.

Nagpapatuloy ang malalim imbestigasyon ng PNP upang matukoy ang motibo at mahuli ang mga suspek sa likod ng pananambang.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *