Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga tauhan ng Local Government Unit, Basilan sa Barangay Sibago, Hadji Mohammad Ajul Municipality, Basilan noong ika-01 ng Agosto 2024.

Naging matagumpay ang naturang aktibidad dahil sa pakikipagtulungan ng 14th Special Forces Company, 4SFB, SFR (A) Philippine Army, Lamitan District Hospital , AKRHO Fraternity, Youth Leaders ng Hadji Mohammad Ajul at sa aktibong pakikiisa ng mga personahe ng 1403rd B, Regional Mobile Force Battalion 14-B.
Ang mga serbisyong ibinigay ay medical check-up na may libreng gamot, tuli, gupit, pamamahagi ng pagkain, mga gamit sa paaralan, at nagkaroon din ng palaro para sa mga bata.

Sa tulong ng LGU, PNP katuwang ang ibang ahensya ng pamahalaan ay patuloy na nagkakaisa upang makapagpahatid ng dekalidad na serbisyong pangmedikal sa mga mamayang kapos at lubos na nangangailangan.