Iba’t ibang oportunidad ang handog ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa Lalawigan ng Davao del Sur sa mga nagtapos ng Technical Vocational at mga naghahanap ng trabaho sa pagdiriwang ng National Tech-Voc Day 2024 sa Gaisano Grand Mall ng Digos nito lamang Agosto 1, 2024.

18 kompanya mula sa iba’t ibang industriya ang nagbukas ng kanilang mga pinto para sa mga masigasig na aplikante, at isang maaasahang bilang ng mga naghahanap ng trabaho ang nagpakilala sa kanilang sarili sa mga kumpanyang nais nilang magtrabaho.

Ang National Tech-Voc Day 2024 ay naging posible sa aktibong suporta ng Center Administrator ng PTC Davao del Sur, G. Faustro T. Barrette, Provincial PESO Manager/President ng CTECA XI, G. Rolly M. Impas, LPT, MBA, JD, Mayor ng Digos City, Hon. Josef F. Cagas, DOLE, DSFP, at Provincial Head, G. Leo Ariel A. Pepino, gayundin si Gobernadora Yvonne Roña Cagas.