Cagayan de Oro- Para sa kapistahan ng Viva Sr. San Agustin, nagsagawa ng Grand Launching ng Higalaay Festival na ginanap sa Rio de Oro Boulevard, Cagayan de Oro City nito lamang Agosto 2, 2024.

Ang Higalaay Festival 2024 Kicked Off ay sinimulan sa isang Holy Mass kasunod ang paglunsad ng Higalaay Friendship Band.
Sa Grand Launching ay nagkaroon ng fireworks display, tawanan dahil sa mga bibong host ng aktibidad at pag-perform ng sikat ba banda na Silent Sanctuary.

Naging matagumpay ang panimula ng Higalaay Festival 2024 dahil na rin sa tulong-tulong na paghahanda para sa kapistahan ng lungsod ng Cagayan de Oro City at mga Local Government Unit.