Nabigyan ng tulong pinansyal ang walong former rebels mula sa iba’t ibang bayan ng Cotabato na ginanap sa Barangay Katipunan, Arakan, Cotabato nito lamang ika-2 ng Agosto 2024.\

Ang naturang programa ay bahagi ng Serbisyong Totoo Caravan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC)
Ang walong rebel returnees ay nabigyan ng tulong pinansyal na tig Php10,000.00 bawat isa.
Ang naturang tulong ay naglalayong suportahan ang kanilang pangangailangan na maaari nilang magamit sa kanilang pagbabagong buhay at pagbabalik sa kani-kanilang komunidad.

Muling ipinaramdam ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cotabato, Lokal na Pamahalaan ng Arakan at mga ahensya ng gobyerno ang kanilang dedikasyon sa pagpapanatili ng kapayapaan sa bawat komunidad sa lalawigan.