Isinagawa ang isang Clean-up Drive na pinangunahan ng Local Government Unit (LGU) sa pangunguna ni Mayor Felicisimo “Daddy Moke” Cebedo ng Bacuag at Kapitan ng Brgy. Poblacion na si Hon. Marc Arthur Caberte, kasama ang mga personahe ng Bacuag Municipal Police Station nito lamang Agosto 3, 2024,m bandang 6:00 ng umaga sa Brgy. Poblacion, Bacuag, Surigao del Norte.
Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng sabayang lingguhang paglilinis na inilunsad ng mga opisyal ng LGU Bacuag upang itaguyod ang pakikilahok ng komunidad.

Dumalo sa nasabing paglilinis ang mga miyembro ng komunidad na may malasakit sa kalikasan, kasama ang iba’t ibang grupo at organisasyon sa barangay.
Ang pagtutulungan at bayanihan ng bawat isa ay nagdulot ng positibong pagbabago sa kalinisan ng dalampasigan.
Ang coastal clean-up drive ay nagsilbing inspirasyon sa marami na makiisa at makibahagi sa mga susunod pang aktibidad para sa kalikasan.
Sa pamamagitan ng patuloy na pagkilos at pakikibahagi ng bawat isa, ang pangarap na magkaroon ng malinis at ligtas na kapaligiran ay magiging realidad.
Layunin nito na palakasin ang responsibilidad ng bawat mamamayan sa pangangalaga ng kalikasan, mabawasan ang polusyon sa ating mga baybayin, at mapabuti ang pangkalahatang kalusugan at kaligtasan ng publiko.