Maguindanao del Norte- Nasakote ng mga awtoridad ang tinaguriang Ranked 9 Regional Most Wanted Person sa kasong Murder sa Brgy. Lipawan, Barira, Maguindanao Del Norte noong ika-3 ng Hulyo 2024.

Kinilala ng Barira Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Roni” 55-anyos at residente ng naturang lugar.

Nabatid na inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.

Patuloy ang PNP sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan ng ating bansa tungo sa isang mapayapa at ligtas na Pilipinas.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *