Maguindano del Sur – Boluntaryong sumuko ang tatlong miyembro ng Datu Ismalaya – Hassan Group sa mga awtoridad sa Brgy. Poblacion, Pagalungan, Maguindanao del Sur nito lamang ika-8 ng Agosto 2024.

Kinilala ang tatlong miyembro na sina alyas “Yas”, alyas “Ebra” at alyas “Abdul” pawang residente ng naturang lugar.

Nabatid din na isinuko ng mga ito ang isang garand rifle, isang 81mm-IED, isang engram cal.9mm, isang magazine, isang RPG na may isang ammo.

Patuloy ang panawagan ng pamahalaan sa iba pang miyembro ng DI- HG na magbalik-loob s at magsimulang muli kasama ang kanilang pamilya para sa isang payapa at maunlad na bansa.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *