Davao Oriental – Tumanggap ng tulong ang may kabuuang 4, 000 benepisyaryo sa tulong ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD FO) XI ang mga residente ng Lupon, Banaybanay, Mati City, Davao Oriental nito lamang ika-30 ng Hunyo 2023.
Pinangunahan ang nasabing aktibidad nina Senator Imee R. Marcos, Davao Oriental Gov. Niño L. Uy Jr., Mati Mayor Michelle N. Rabat, Banaybanay Mayor Lemuel Ian M. Larcia, Lupon Mayor Erlinda D. Lim, DSWD XI Regional Director Atty. Vanessa B. Goc-ong, at iba pang opisyal ng Davao Oriental na kung saan bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng Php3,000.00.
Lubos naman ang naging pasasalamat ng mga residenteng nakatanggap ng tulong mula sa DSWD dahil kahit papaano ay malaking tulong ito upang maitawid ang kanilang pang araw-araw na pangangailangan.
Layunin ng nasabing aktibidad na magpa-abot ng tulong mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan sa bawat pamilyang lubos na nangangailangan.