Agad na nabigyan ng tulong ang 55 pamilyang nasunugan sa Zone 4, Barangay Consolacion, Cagayan De Oro City nito lamang ika-11 ng Agosto 2024.
Ito ay pinangunahan ni Mayor Rolando “Klarex” Uy kasama ang City Social Welfare and Development (CSWD) na nag-abot ng tulong sa mga pamilyang nasunugan.
Binigyan ng emergency assistance ang mga biktima ng sunog tulad ng pagkain sa pamamagitan ng community kitchen, tubig, collapsible tent, plastic mat, kumot at iba pang mga pangangailangan.
Sa kasalukuyan, patuloy ang koordinasyon ng CSWD at mga opisyal ng barangay sa pangangalaga sa mga biktima na pansamantalang nakatira sa ilalim ng tulay bilang evacuation center.
Patuloy ang pagsiguro ng Cagayan De Oro City Government na makaka-ahon ang mga pamilyang apektado mula sa sunog at lahat ng tulong ay ipapa-abot upang makapag-simulang muli ang mga naturang pamilya na may dalang pag-asa at handang lumaban sa hamon ng buhay.