Laking pasasalamat ng mga ‘Higalaay Festival Market’ organizers kasama ang mga opisyales ng Lokal ng Cagayan de Oro City sa pangunguna ng pinakamamahal na Mayor Rolando ‘Klarex’ Uy, kasama ang mga tagatangkilik ng negosyo sa pormal na pagbubukas ng Higalaay Festival Market na ginanap sa Rio de Oro Boulevard,Cagayan de Oro City nito lamang ika-9 ng Agosto 2024.

Mismong Si Mayor ‘Klarex’ ang nanguna sa ‘ribbon cutting’ bilang pormal na pagbubukas ng Higalaay Festival Market na magsisimula ng 12:00 ng tanghali hanggang 12:00 ng hating-gabi simula Agosto 9 hanggang 31.

Muli ring nakilahok si Vice Mayor Jocelyn ‘Bebot’ Rodriguez, mga City Councilors, City Hall Department Managers, mga business owners kasama ang malakas na suporta ng mga Kagay-anon.

Hinikayat naman ni City Council Jay Roa Pascual, 2024 City Fiesta Committee co-chairperson ang mga Kagay-anon na ang mga maliliit na negosyante na nakilahok sa Higalaay Festival Market na nagpakilala ng kani-kanilang mga iba’t ibang produkto.

Layunin ng aktibidad ang pagmamahalan, pagkakaisa at pagkakaibigan ng bawat Kagay-anon para sa paglago ng lungsod.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *