Bukidnon- Nasakote ang Top 8 Most Wanted Person Provincial Level sa ikinasang operasyon ng mga otoridad sa Purok 5, Brgy. Poblacion, San Fernando Bukidnon nito lamang ika-9 ng Agosto 2024.

Kinilala ang suspek na si alias “Randy”, lalaki, 28 anyos, may asawa, at residente ng Sitio New Kibawe, Brgy. Little Baguio, San Fernando, Bukidnon.

Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Frustrated Murder na may Criminal Case No. 38145-22 na may rekomendang piyansa na Php200.000.00.

Patuloy ang Bukidnon PNP sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan tungo sa pagkamit ng isang maayos at maunlad na pamayanan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *