Davao City- Tiklo ang tinaguriang Top 10 Regional Most Wanted sa kasong Statutory Rape sa ikinasang operasyon ng mga otoridad sa Davao Global Town Center, Matina, Davao City nito lamang Agosto 18, 2024.

Kinilala ang suspek na si alyas “Win”, 21 anyos, binata, construction worker at residente ng Barangay San Isidro, Kidapawan City.

Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Statutory Rape.

Patuloy ang Kidapawan City PNP sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa pamayanan tungo sa pagkamit ng kaunlaran.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *