Ang Pink Mosque o kilala bilang Masjid Dimaukom sa Maguindanao ay pinatayo noong 2014.

Ang mosque na ito ay itinayo sa pamumuno ni Mayor Samsudin Dimaukom ng Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao at kilala dahil sa kanyang kakaibang kulay rosas na disenyo.

Ito ay pininturahan ng kulay rosas, sumasagisag ng pagmamahal, kapayapaan, at progreso.

Ito ay itinayo ng mga Kristiyanong manggagawa na kumakatawan sa pagkakapatiran ng iba’t ibang pananampalataya, at nagpapakita na ang pagpapamalas ng kapayapaan sa Maguindanao ay nagiging perpekto.

Ito rin ang kauna-unahang mosque na pininturahan ng kulay rosas sa BARMM na independyenteng rehiyon at sa buong Pilipinas.

Ang Pink Mosque ay traditions Muslim architecture, kabilang ang mga qubba o dome at ang tuktok nitong may crescent moon at star na sumisimbolo ng Islam.

Bagamat hindi lahat ay pinapayagang makapasok sa loob ng mosque, ang kahanga-hangang panlabas na disenyo nito ay dinarayo ng mga residente galing pa sa iba’t ibang lugar dahil sa ganda ng istruktura.

Ang pangunahing layunin ng pagtatayo ng Pink Mosque ay upang magkaroon ng isang lugar na magbubuklod sa mga tao ng Maguindanao at magdadala ng positibong pagbabago sa imahe ng rehiyon.

Photos by: Chasejaseph.com

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *