Mambajao, Camiguin- AKtibong nakilahok ang iba’t ibang sektor ng pamahalaan sa isinagawang Coastal Clean-up Drive mula sa Sitio Boloc-Boloc hanggang Parola, Poblacion, Mambajao, Camiguin nito lamang ika-4 ng Hulyo 2023.
Ito ay kaugnay sa pagdiriwang ng 168th Mambajao Charter Day 2023. Ilan sa grupong nakiisa ay ang Mambajao PNP, Philippine Coast Guard, Bureau of Jail Management and Penology, Department Trade and Industry at Local Government Unit ng Mambajao.
Sabay-sabay nagpulot ng mga basura at naglinis ang mga nasabing grupo sa naturang baybayin.
Inaanyayahan naman ng pamahalaan ang komunidad na makiisa sa aktibidad upang mapanatili ang ganda at maiwasan ang pagkasira para sa susunod na henerasyon.