Malaybalay City, Bukidnon— 47 na dating miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nakatanggap ng kabuuang Php1.9 milyong halaga ng livelihood assistance at firearms remuneration mula sa pamahalaan na ginanap sa 403rd Infantry Brigade Headquarters, Malaybalay City, Bukidnon nito lamang Hulyo 4, 2023.
Ito ay pinangunahan ni Governor Rogelio Neil P. Roque, Bukidnon Governor at iba pang mga sangay ng pamahalaan tulad ng DILG, DSWD, Bukidnon Provincial Government.
Sa mensahe ni Gov. Roque, ipina-abot niya sa mga former rebels na ang ayudang natanggap ay galing sa mga Filipino people na gustong tulungan ang mga former rebels na bumalik sa kanlungan ng pamahalaan at mamuhay ng masaya kasama ang kanilang pamilya.
Nagpa-abot naman ng pasalamat si alyas “Jayto”, dating Commander ng NPA unit – SRSDG MTJ EAGLES sa pamahalaan dahil sa tuloy-tuloy na tulong upang makabangon sa dagok na dala ng maling ideolohiya ng makakaliwang grupo at siguraduhin ang kanilang seguridad tungo sa pagkamit ng isang maunlad na bansa.