Davao City – Tinatayang aabot sa mahigit 50 kabahayan ang natupok ng sunog sa Brgy. 23-C, Boulevard, Davao City kaninang madaling araw ng Hulyo 5, 2023.

Nagkakahalaga ng Php500,000 ang ari-arian na nasunog kung saan kandila ang itinuturong sanhi ng sunog.

Habang naitalang patay ang 6 anyos na batang babae na napag-alamang na-trap sa nasabing insidente at nagtamo ng 3rd degree burns na dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.

Samantala, humihingi naman ng tulong ang mga apektadong residente na kasalukuyang nanunuluyan sa barangay gymnasium at nagpa-alala ang mga awtoridad na mas maging maingat upang maiwasan ang anumang sunog.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *