Zamboanga Sibugay- Isang pulis ang pinagbabaril sa gitna ng kalsada ng riding-in-tandem ngayong araw sa Kabasalan, Zamboanga Sibugay.

Kinilala ang biktimang nagtamo ng tama ng bala sa katawan na si Police Chief Master Sergeant Ronald Sumamban nakatalaga sa Kabasalan Municipal Police Station sa naturang lalawigan.

Ayon sa mga saksi, lulan ng RS-125 na motor at kulay dalandan ang mga suspek na dali-daling tumakas pagkatapos ng krimen.

Kinondena naman ng Zamboanga Sibugay PNP ang pagkamatay ng kanilang kasama at agad nagsagawa ng checkpoint operation upang mahuli ang mga suspek.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *