Isa pang walang pag-iimbot na gawain ang ipinadama ng Pamahalaang Lokal ng Tagum sa pamamagitan ng paglulunsad nito ng Care for School Chairs Program sa Island Garden City of Samal nito lamang Agosto 27, 2024.
Nagsilbing benepisyaryo sa pagkakataong ito ang Tagbay Elementary School na nakatanggap ng 71 bagong upuan na gawa sa mga nakumpiskang iligal na troso sa rehiyon.
Labis naman ang pasasalamat ng mga guro ng nasabing paaralan kung kaya naman ay laking tuwa ng mga residente ng Tagum sa paglulunsad ng programang ito sa kanilang kalapit lungsod.
Patuloy naman ang pagsusumikap ng Pamahalaan ng Tagum sa pangunguna ni Alkalde Rey T. Uy, sa pakikipag-ugnayan iba’t ibang pampubliko at pribadong paaralan sa buong lalawigan upang magbigay kasiyahan at suporta sa bawat mag-aaral.