Tuklasin natin ang natatagong ganda n Region 12. Narito na sa kapitolyo ang ipinagmamalaking Cafe Mari Coffee mula sa Brgy. Dado sa bayan ng Alamada, Cotabato na gawa sa piling-piling Arabica coffee beans at kinikilalang isa sa “Treasures of Region 12” at napabilang sa Manila Coffee Festival 2024.

Malulula ka rin sa napakaraming processed products na garantisadong pasado sa choosy mong panlasa. Kabilang rito ang inaabangan ng lahat na napakabango at healthy na Dinorado rice, Accape Ground Coffee Acca’s blend, PurePerk Ground Coffee, RVGA Turmeric Powder, Sihat LeafTea na gawa sa mulberry at malunggay, buko pandan jam, peanut brittle, banana chips, at bukayo (coconut chips), at ang iyong hinahanap-hanap na cashew nuts. Katakam-takam din ang kanilang bagoong at spicy vinegar o sinamak na swak sa kanilang dried marinated tilapia.

Meron din silang iba’t ibang uri ng gulay, at handicrafts, at maraming iba pa. Kabilang din sa featured products sa booth display ng Alamada ay ang mga nakakabighaning produktong lokal tulad ng napakagandang bamboo notebook, native bags, coin purse, at murang souvenir items tulad ng t-shirts, mugs, drink bottles, at key holders.

Kahanga-hanga rin ang kanilang “hollow blocks and pathway bricks made of bottles”.

Tiyak na mabibighani ka rin sa “greenery and hilltop views” na matatagpuan sa Barangay Rangayen, ang “Summer Capital of Alamada” at tahanan ng naggagandahang mga bulaklak at “cool-weather loving crops” tulad ng cabbage, lettuce at strawberry.

Ano na? Dali na halina’t pumasyal sa Region 12!

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *