Umarangkada sa pamamagitan ng isang community outreach program ang Mobile Government na inilunsad ng Lokal na Pamahalaan ng Barangay Sulop nito lamang Agosto 27, 2024 sa Covered Court ng Barangay Talas, Sulop, Davao del Sur.
Handog ng programang ito ay ang iba’t ibang serbisyo mula sa pambansa at lokal na ahensya ng gobyerno gaya na lamang ng libreng medical at dental check-up, tuli, gupit at legal consultation.
Aktibo ring nakiisa rito ang Sulop Municipal Police Station na nagsagawa ng feeding program, at nag-abot ng mga leaflets na naglalaman ng mga crime prevention tips at iba pang mahalagang paalala hinggil sa rape at suicide.
Dagdag pa, sa pangunguna ni Police Captain Tonald D Ditan, Officer-In-Charge ng Sulop Municipal Police Station ay nagkaroon rin mg talakayan sa pagitan ng nasabing estasyon at Barangay Tanod hinggil sa peace and order situation ng barangay.
Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng Lokal na Pamahalaan ng Sulop upang maihatid ng mas mabilis at epektibo ang mga pampublikong serbisyo para sa mga residente nito.