Malugod na tinanggap ng mga benepisyaryo mula sa lungsod ng Dipolog, Zamboanga del Norte ang kanilang sahod sa ilalim ng “Tulong Pang-hanapbuhay sa Ating Disadvantage/Displaced Workers” (TUPAD) Program ng Department of Labor and Employment o DOLE noong Setyembre 13, 2024.

Nasa 120 mga residente mula sa iba’t ibang barangay ang naging benepisyaryo sa nasabing programa ng DOLE sa pakikipagtulungan sa Lokal na Pamahalaan ng Dipolog sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO).

Dumalo sa programa ang alkalde ng lunsod na si Mayor Darel Dexter Uy, kasama ang iba pang mga opisyal ng lokal na pamahalaan, mga kinatawan mula sa DOLE at iilang tauhan mula sa PESO.

Ang bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng minimum wage na ₱381 kada araw sa loob ng 15 araw na trabaho o aabot sa ₱5,715.00 habang mayroon ding ilang benepisyaryo na 13 araw lamang ang trabaho.

Ang programang TUPAD ng DOLE ay nagbibigay ng pansamantalang trabaho sa mga informal workers bilang karagdagang tulong ng gobyerno upang matugunan ang kanilang pangangailangan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *