Bukidnon- Isa sa maraming bagay na bibihag sa iyong puso sa Bukidnon ay ang kanilang Binaki steamed corn tamales.
Sino ang hindi mabibighani sa sikat na meryenda na ito na gawa sa pinakamasarap na batang mais ng Bukidnon?
Bawat kagat ay dadalhin ka sa napakasarap na halo ng mais, gatas, mantikilya, baking powder, at asukal na lahat ay nakabalot sa balat ng mais pagkatapos ay pinasingaw hanggang sa ito’y maging perpekto sa isang pinakamagandang corn cake na ikatutuwa mong kainin.
Nagsimula ang Binaki bilang power snack para sa mga magsasaka na nag-aalaga sa mga bukirin at mga pananim sa buong araw hanggang sa ipinakilala ito sa mga bisita at turista na umibig sa masarap na steamed corn cake na ito.
Isang posibleng dahilan kung bakit pinangalanang Binaki ang delicacy na ito ay ang mala-palaka na posisyon ng mga tao habang ginagawa ang mais na gagamitin sa paghahanda nito.
Gusto mo ng katangi-tanging pasalubog na nakabalot sa balat ng mais? bili na at tikman ang pagkaing mabibili lang sa mga kalye Aglayan, Malaybalay City sa Northern Mindanao.