Agarang kumilos at naghatid ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office Caraga sa 40 dalawang stranded na indibidwal na tumanggap ng Family Food Packs (FFP) sa Basilisa, Dinagat Islands noong Setyembre 18, 2024.

Ang mga indibidwal na ito ay mula sa Loreto, Dinagat Islands.

Marami ang na-stranded dahil sa masamang kondisyon ng panahon matapos maglakbay patungong Surigao City para sa mga medikal na check-up at iba pang mahahalagang appointment.

Sa pamamagitan ng patuloy na koordinasyon sa mga Municipal at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Offices (P/MDRRMO), tinitiyak ng DSWD Caraga na natanggap ng mga stranded na indibidwal ang kinakailangang tulong.

Ang aksyon na ito ng DSWD Caraga ay isang patunay ng kanilang dedikasyon sa paglilingkod at pagtulong sa mga mamamayan sa panahon ng pangangailangan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *