Idinaos ang Senior Citizen’s Day kaugnay sa ika-75th anibersaryo ng Bayan ng Pikit, Cotabato nito lamang ika-19 ng Setyembre 2024.
Pinangunahan ng Pamahalaan ng Cotabato katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) XII ang isinagawang aktibidad.
Umabot sa 500 na mga lolo at lola ang tumanggap ng hygiene kits na naglalaman ng toothbrush, toothpaste, shampoo, bath at laundry soap, at maraming iba pa.
Ang nasabing kits ay ibinigay sa mga nakatatandang lubhang apektado ng malimit na pagbaha sa nabanggit na bayan at bilang pag-aalaga na rin sa kalusugan ng mga lolo at lola na binigyan ng pagkilala sa nabanggit na okasyon.