Kaugnay sa pagdiriwang ng ikalawang taon na tinaguriang insurgency free ang lalawigan ng Davao Oriental, nagsagawa ang mga tauhan ng Davao Oriental Police Provincial Office ng inspeksyon sa mga produktong pangkabuhayan ng Peoples Organization nito lamang Setyembre 19, 2024.
Ang naturang aktibidad ay ginanap sa Provincial Capitol ng Mati City kung ipinagmalaki ng Peoples Organization ang kanilang mga lokal na produkto gaya na lamang ng basket at bag na gawa sa agricultural materials gaya na lamang ng rattan.
Ang People Organization ay isang grupo na binuo sa pagsusumikap ng Revitalized-Pulis sa Barangay sa layuning tulungan ang mga miyembro nito na maibangon ang kanilang mga sarili at kanilang mga pamilya sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga ito ng sapat na kaalaman sa iba’t ibang hanapbuhay.
Ang inisyatibong ito ay malaking tulong sa pagpapanatiling insurgency-free ang Davao Oriental na patuloy na nagsusumikap ang ating kapulisan na suportahan at gabayan ang naturang organisasyon.