Nasamsam ang tinatayang Php18,130,000.00 halaga ng puslit na yosi sa isinagawang operasyon ng mga otoridad sa Barangay Sarmiento Parang, Maguindanao del Norte nito lamang ika-21 ng Setymebre 2024.
Ayon sa Parang Municipal Police Station, bandang 10:50 ng umaga nang makumpiska ang naturang mga kontrabando sa tulong ng isang concerned citizen tungkol sa dalawang sasakyang na lulan ang mga hinihinalang puslit na sigarilyo.
Nakumpiska mula sa operasyon ang 490 na kahon ng iba’t ibang brand ng mga sigarilyo at nagkakahalaga ng Php18,130,000.00.
Patuloy ang malalim na imbestigasyon ng Maguindanao del Norte PNP para mahuli at mapanagot ang nasa likod ng puslit na sigarilyo.