Tiklo ang isang magsasaka nang makumpiskahan ng hindi lisensyadong baril sa ikinasang checkpoint operation ng mga awtoridad sa Brgy Poblacion, Pikit, Cotabato nito lamang Setyembre 23, 2024.
Kinilala ang suspek na si alyas “Amil”, 25-anyos, may asawa, magsasaka at residente ng Brgy. Lawili, Aleosan, Cotabato.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Patuloy ang pagsiguro ng kaligtasan at kapayapaan ng PNP sa ating pamayanan tungo sa isang maunlad na bansa.