Nasamsam ang tinatayang P30 milyong halaga ng puslit na yosi sa baybayin ng Davao City nito lamang Martes, Setyembre 24, 2024.
Napag-alaman na tinatayang nasa 800 reams ng iba’t ibang brand ng yosi ang nakumpiska.
Samantala, 11 na crew ng motorized na bangka ay nagmula sa Basilan ngunit ang mga puslit na yosi ay nagmula sa Julu, Sulu at nakatakdang ipadala sa Panabo City.
Naka-alerto ang lahat ng law enforcement agencies ng pamahalaan upang masiguro na lahat ng entry at exit point ay nababantayan laban sa anumang uri ng banta na hadlang sa pag-unlad ng ating bansa.