Sa layuning pangalagaan at protektahan pati na rin ang pagpapanumbalik ng mga coral reef sa lungsod ng Cagayan de Oro sa pamamagitan ng reef restoration, ang Agricultural Productivity Operations Office – Fisheries Division ay nagsasagawa ng deployment ng Coral Recruitment Tiles bilang bahagi ng Coral Reef Conservation Programa sa administrasyon ni Mayor Rolando `Klarex’ Uy nito lamang ika-23 ng Setyembre 2024.
Sa tatlong araw na kaganapan, 12 coral recruitment modules (may sukat na 50×50 cm) ang na-deploy gamit ang 10×10 cm na mga tile na gawa sa fiber cement.
Ang mga tile na ito ay nakakabit sa mga patay na coral algae na magbibigay ng potensyal na settlement site para sa mga coral recruit. Ito ay isang paraan na idinisenyo upang itaguyod ang pagbawi ng coral at suportahan ang marine biodiversity.
Ayon kay Engr. Paterno Gonzales, Department Manager ng APOO, na simula Oktubre 2024, magsasagawa ang kanilang tanggapan ng serye ng monitoring activities para masuri ang pagkakaroon ng mga bagong coral recruit at sukatin ang paglaki.
Ang pagsisikap na ito ay bahagi ng mas malawak na diskarte sa pangangalaga sa kapaligiran ng lungsod na naglalayong protektahan ang mga coastal ecosystem at itaguyod ang napapanatiling buhay sa dagat.