Idinaos ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) ng Zamboanga del Sur ng Marine Wildlife Rescue and Handling Training para pagtibayin ang kasanayan ng mga tauhan ng naturang ahensya sa wildlife rescue and conservation sa naturang probinsya noong Setyembre 22, 2024.
Tinalakay sa unang bahagi ng pagsasanay ang patungkol sa Wildlife Act, biology at ecology ng mga ibong pantubig at pagong, tamang paghawak ng wild animals, species identification, at ang rescue, rehabilitation, at release protocols.
Isinagawa naman ang ikalawang bahagi ng training sa Regional Wildlife Rescue Center (RWRC) sa Brgy. Baclay, Tukuran kung saan nabigyan ng hands-on experience ang mga partisipante hinggil sa wildlife handling techniques.
Kabilang sa mga nakilahok sa pagsasanay ang Protected Area Management Office (PAMO) ng Dumanquillas Bay Protected Landscape and Seascape, Mt. Timolan Protected Landscape, coastal staff mula sa mga CENRO ng Ramon Magsaysay at Guipos, at ang DENR-IX Regional Office.
Sinusuportahan ng naturang training ang nagpapatuloy na pagsisikap ng kagawaran na pagtibayin ang wildlife rescue and conservation sa rehiyon ng Zamboanga Peninsula.