Maguindanao del Norte – Sumuko sa mga otoridad ang dalawang miyembro ng Mamadra Private Armed Group sa PRO BAR Camp Bgen Salipada K. Pendatun, Maguindanao del Norte nito lamang Lunes, ika-23 ng Setyembre 2024.
Kasabay ng kanilang pagsuko ay ang pagturn-over ng anim na kalibre ng mga matatas na armas.
Nabatid na nabuo ang Mamadra Group taong 2013 nang nasangkot sa iba’t ibang lokal na labanan at kilala sa pagkakaroon ng mga iligal na armas.
Nagpasalamat ang PNP sa pagsuko ng dalawang indibidwal at niyakap ang tunay na pagbabago sa tulong ng pamahalaan at makasama ang kanilang pamilya malayo sa anumang uri ng karahasan.