Maguindanao del Norte- Narekober ang tinatayang Php444,000.00 halaga ng puslit na yosi sa isinagawang operasyon ng mga otoridad sa Barangay Siganggang, Pandami, Sulu nito lamang ika-24 ng Setyembre 2024.

Ayon sa Pandami Municipal Police Station, bandang 5:10 ng hapon nang marekober ang naturang mga kontrabando sa tulong ng isang concerned citizen tungkol umano sa hinihinalang puslit na mga sigarilyo.

Nakumpiska mula sa operasyon ang 12 Canon brand ng puslit na sigarilyo na tinatayang nagkakahalagang Php444,000.00.

Patuloy ang malalim na imbestigasyon ng Maguindanao del Norte PNP para mahuli at mapanagot ang nasa likod ng puslit na sigarilyo.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *