Zamboanga City- Arestado ang isang Top 2 Most Wanted Person Municipal Level sa kasong Statutory Rape sa ikinasang operasyon ng mga otoridad sa Bolong, Zamboanga City nito lamang ika-23 ng Setyembre 2024.
Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Gelo”, 27 anyos, lalaki at residente ng Sition Pamingitan, Bolong, Zamboanga City.
Nadakip ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Statutory Rape na walang inirekomendang piyansa.
Patuloy ang PNP sa pagsiguro ng kaligtasan ng bawat mamamayan, msalaya sa anumang banta ng karahasan at kriminalidad tungo sa isang bansang maunlad.