Inilunsad ng Department of Science and Technology (DOST) IX ang kauna-unahang libreng seminar-workshop na tinaguriang “Implementing and Enhancing Quality Control Program in the Chemical Laboratory” sa lungsod ng Zamboanga noong Setyembre 23,2024.
Pinangasiwaan ng Regional Standards and Testing Laboratories (RSTL) ng DOST IX ang nasabing seminar-workshop kung saan iilan sa mga paksang tinalakay ay ang proper identification at paggamit ng blanks, detection limit evaluations, interpretation ng quality control data, at marami pang iba.
Aabot sa 40 registered chemists at chemical technicians mula sa rehiyon ng Zamboanga Peninsula ang nakakumpleto ng naturang workshop kung saan nakatanggap ang bawat partisipante ng tig-12 Continuing Professional Development (CPD) units.
Ang CPD units na natanggap ng mga nakilahok sa aktibidad ay accredited ng Professional Regulation Commission (PRC) at ng Board of Chemistry.
Layon ng naturang workshop na ma-equip ang mga partisipante ng mga kinakailangang kasanayan upang pagtibayin ang quality control practices sa kani-kanilang laboratoryo.