Ang Illuminada Garden Resort ay isa sa mga bagong atraksyon sa probinsya ng Misamis Oriental.
Ito ay matatagpuan sa Brgy. Lunutan, Gingoog City.
Sa loob lamang ng isa at kalahating oras mula sa siyudad ng Cagayan de Oro ay mararating mo na ang nasabing resort.
Ang mga aktibidad sa resort ay ang mga sumusunod; maze, swimming pool, camp site, children’s playground at pwede din kayong kumain sa kanilang restaurant.
Ang entrance fee naman ay 100 pesos sa matanda, 80 pesos sa mga Senior Citizen and PWD at 50 pesos para sa mga bata.