Timbog ang isang magsasaka sa ikinasang search warrant ng PNP sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” sa Purok Liberty, Brgy. Esperanza, Norala, South Cotabato nito lamang ika-26 ng Setyembre, 2024.

Kinilala ang suspek na si alyas “Ren”, 57 anyos, may asawa, magsasaka, residente ng naturang lugar. Nakuha mula sa operasyon ang isang unit unit na home made 12 gauge shot gun na walang serial number, isang unit ng caliber .45 pistol, Colt Government Model na may serial number: 388099, tatlong piraso na live ammunition para sa 12 gauge shot gun at isang pirasong magazine na naka-assemble para sa caliber .45 pistol.

Kasong paglabag sa Section 28 ng Republic Act 10591 at Section 1 ng RA 9516 o penalty of Reclusion Perpetua kaugnay ng PD 1866 ang kakaharapin ng akusado.

Patuloy ang PNP sa pagsiguro ng kaayusan at kapayapaan sa ating pamayanan tungo sa isang maunlad na bansa.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *