Namahagi ng Social Pension Distribution para sa mga Senior Citizen ang Local Government Unit ng GenSan sa Barangay Lagao Gymnasium, General Santos City nito lamang ika-26 ng Setyembre 2024.
Pinangunahan ni City Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao, ang social pension distribution para sa mahigit 1,000 senior citizen.
Ang bawat senior citizen ay tumanggap ng P3,000.00 na tulong pinansyal bilang bahagi ng Social Pension Program ng pamahalaan.

Binigyang-diin ni Mayor Pacquiao ang kahalagahan ng patuloy na suporta sa mga senior citizens at nangakong ang pamahalaang lokal ng General Santos ay patuloy ang pakikipagtulungan sa DSWD at iba pang ahensya upang tiyakin na ang ating mga lolo’t lola ay patuloy na makakatanggap ng kinakailangang tulong.
Layunin ng pamahalaan na suportahan ang mga indigent seniors na walang regular na pinagkakakitaan o pensyon mula sa SSS, GSIS, o anumang pribadong institusyon.
Photos by: Office of the City Mayor

Hon. Lorelie G Pacquiao