Sumuko ang isang tagasuporta ng New People’s Army (NPA) sa mga awtoridad sa Buug, Zamboanga Sibugay nito lamang Linggo, ika- 29 ng Setyembre 2024.

Kinilala ang sumuko na si alyas “Bryan” 36 anyos at residente ng Purok 5 Brgy. Bulaan, Buug, Zamboanga Sibugay.

Nabatid na si alyas “Bryan” ay aktibong tagasuporta ng CTG Affected Mass Organization (CAMO) Regional Urban Committeee, Zamboanga Sibugay Chapter, WMPRC.

Patuloy ang pamahalaan sa pagsisikap na tuldukan ang terorismo at insurhensya sa bansa. Hinihikayat naman ang iba pang miyembro at tagasuporta ng NPA na magbalik-loob at magsimulang muli, malayo sa karahasan at gulo mula sa teroristang grupo na hadlang sa pagkamit ng kaunlaran at kapayapaan sa ating inang bayan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *