Pinamunuan ng Lokal na Pamahalaan ng Isabela de Basilan sa pamamagitan ng City Tourism Office, ang isinagawang seminar at workshop na tinaguriang “Mastering the Art of Yakan Culture” sa naturang lungsod nito lamang Setyembre 28, 2024.

Binigyang diin ni City Tourism Officer Claudio Ramos II, ang kahalagahan ng naturang inisyatibo para mapangalagaan ang mga lokal na tradisyon at ang kulturang Yakan upang masigurong maipagpapatuloy pa ito hanggang sa mga susunod na henerasyon.

Nakatuon sa isinagawang workshop ang sining ng Tanyak-Tanyak facial make-up at ang pagsusuot ng tradisyunal na kasuotang Yakan.

Kabilang sa mga nakilahok ang mga guro mula sa elementarya, sekundarya, at Indigenous People’s Education (IPEd), pati na rin ang mga miyembro ng Pasangen Cultural Dance Troup.

Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng selebrasyon ng World Tourism Month na may temang “Tourism and Peace”.

Layon ng aktibidad na isulong ang malalim na pag-unawa at pagpapahalaga para sa kulturang Yakan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *