Idineklara ng Lokal na Pamahalaan ng Davao sa pamamagitan ng opisyal na Facebook page ang pagtatayo ng Culture and The Arts Office upang pahusayin pa ang local arts program at higit pang itaguyod ang mga artistang Dabawenyo nito lamang Oktubre 2, 2024.

Ang pagtatatag ng tanggapan ay isang mahalagang hakbang upang isulong ang balanse at napapanatiling pag-unlad ng Davao sa pamamagitan ng pag-integrate ng pagkamalikhain at mga industriya ng kultura sa mga plano ng pag-unlad ng lungsod.

Layunin din ng magiging tanggapan na ito na tiyakin ang pangangalaga at pagsusulong ng mga kultural at makasaysayang pamana ng lungsod.

Isusulong din nito ang pagbuo ng isang lokal na programa sa sining na isasama sa pormal na edukasyon at mga di-pormal na setting upang alagaan ang mga susunod na henerasyon ng mga artistang Dabawenyo.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *