Nagsagawa ng Road Repair ang LGU Cotabato sa Nicaan-Kitub-Upper Bao Provincial Road sa bayan ng Alamada, Cotabato nito lamang ika-2 ng Oktubre 2024.

Pinangunahan ng Provincial Engineer’s Office (PEO) ang naturang pagsasa ayos ng naturang proyekto.

Isang maintenance fleet na kinabibilangan ng dump trucks, grader, road roller, backhoe at loader ang ipinadala para sa agarang pagsasayos ng daan na lubhang apektado ng sunod-sunod na pag-ulan na nagdulot ng landslide o pagguho ng lupa sa lugar.

Ang naturang road repair ay batay sa direktiba ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza kay Provincial Engineer Esperidion Taladro, Jr., na bigyan ito ng prayoridad upang hindi maantala ang pagbyahe ng mamamayan at matiyak na ligtas ang mga motorista at pasaherong dumadaan rito.

Patuloy na makikiisa at magbibigay suporta ang pamahalaan ng Cotabato upang maiparamdam sa bawat mamamayan ang tunay na serbisyong publiko at mas mapalakas ang ugnayan sa komunidad.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *