Sumailalim sa oryentasyon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) XII ang mga residente ng Matalam, Cotabato nito lamang ika-2 ng Oktubre 2024.
Tinalakay sa naturang oryentasyon kung ano ang SLP na isa sa mga itinataguyod na programang panlipunan ng pamunuan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa pamamagitan ng tanggapan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian.
Umabot sa 72 MatalameƱo na mapalad na makakatanggap ng Php15,000.00 financial grant mula sa Sustainable Livelihood Program (SLP)-Individual Referral ng pamahalaang nasyonal.
Inilahad din dito ang layunin ng programa na mabigyan ng gabay ang mga ito sa maayos na pamamahala sa ibibigay na financial grant upang mapalago ang kanilang napiling pagkakitaan, na inaasahang magiging daan upang matulungan ang mga ito na matugunan ang kanilang mga pangangailangan.