Nakatanggap ng tulong pinansyal ang 128 na anak ng mga dating Moro Islamic Liberation Front (MILF) Combantants para sa kanilang pag-aaral nito lamang ika-2 ng Oktubre 2024 sa Cotabato City.

Pinangunahan ng Task Force for Decommissioned Combatants and their Communities at ng Mindanao State University ang pamamahagi ng Php50,000 sa mga kwalipikadong estudyante kada taon hanggang sa makatapos ng apat na taon sa kolehiyo.

Target ng TFDCC na mabigyan ng tulong pinansyal ang 1,050 anak ng mga dating MILF kombatan ngayong taon, at kung may sapat na pondo, plano nilang palawigin ang programa sa 2,500 estudyante sa susunod na taon.

Ang nasabing tulong ay bahagi ng programang ng pamahalaan na naglalayong tulungan ang mga dating combatant at ang kanilang mga pamilya.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *