Kalaboso ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) na tinaguriang Top 5 Most Wanted Person Municipal Level sa kasong paglabag sa RA 8042 (Ilegal Recruitment in relation to RA 10175 Anti Trafficking in Persons Act of 2003) sa isinagawang operasyon ng nga awtoridad sa Purok Durian, Brgy. Visayan Village, Tagum City, Davao Del Norte nito lamang ika-3 ng Oktubre 2024.

Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Jun”, 27 anyos, lalaki OFW at residente ng Purok Durian, Brgy. Visayan Village, Tagum City Davao Del Norte.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 8042 (Ilegal Recruitment in relation to RA 10175 Anti Trafficking in Persons Act of 2003) na may inirekomendang piyansa sa kabuuan ng Php320,000.00.

Patuloy ang PNP sa pagtugis sa mga taong may pananagutan sa batas upang masiguro ang kaligtasan ng publiko at matuldukan ang terorismo, kriminalidad at insurhensya na hadlang sa pagkamit ng kapayapaan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *